Loading...

Ano ang SLBH-ST?

Samahang Lugod ng Bayan Hubo-Sinakulista ng Taytay

Ang Samahang Lugod ng Bayan Sinakulista na kilala sa taguring HUBO dito sa aming bayan ng Taytay, Rizal ay unang nakapagtanghal noon pang 1901 na may 20 miyembro lamang. Ngunit bago sila nakapagtangghal ay may ilan taon pa ang ginugol nila sa pagsasaayos ng “ORIHINAL” na siyang script ng Senakulo.


Bilang likhang pampanitikan, mapapansin natin ang mala-dramatikong katangian ng pasyon; hindi lamang ito tuluyang salaysay kundi may mga bahaging nakaaakit ding isatanghalan; ito ang naging ugat ng pagtatanghal ng senakulo. Karaniwan ding sa pasyon halaw ang diyalogo ng senakulo na nasa anyong quintilla. Ang bawat kahon ay may limang wawaluhing pantig na linya. Bukod sa nabanggit na Pasyon, ang akdang patula na siyang iskript ng senakulo ay batay rin sa Bibliya, mga Apocrypha at mga leyendang (legends) Kristiyano na nagmula sa Europa. Ang apocrypha ay mga lumang akda sa anyo ng ebanghelyo, liham at mga gawa na nagsasalaysay ng mga lihim na tagpo sa buhay ni Jesus at ng mga alagad. Bagama't hindi ito bahagi ng Bibliyang Kristiyano ay naging popular pa rin ang mga ito partikular na sa mga Katoliko.

Kalayaan Park 2024

Saksihan ang mga kaganapan sa Kalayaan Park 2024

Alamin pa...
Lumang Munisipyo 2018

Saksihan ang mga larawan sa Lumang Munisipyo 2018

Alamin pa...
Lumang Munisipyo 2017

Saksihan ang mga larawan sa Lumang Munisipyo 2017

Alamin pa...
Kalayaan Park 2016

Saksihan ang mga larawan sa Kalayaan Park 2016

Alamin pa...
Kalayaan Park 2015

Saksihan ang mga larawan sa Kalayaan Park 2015

Alamin pa...
Kalayaan Park 2014

Saksihan ang mga larawan sa Kalayaan Park 2014

Alamin pa...
Luneta Park 2013

Saksihan ang mga larawan sa Luneta Park 2013

Alamin pa...
Luneta Park 2012

Saksihan ang mga larawan sa Luneta Park 2012

Alamin pa...
Pictorial for Luneta 2012

Saksihan ang mga larawan sa Pictorial for Luneta 2012

Alamin pa...
Napindan 2010

Saksihan ang mga larawan sa Napindan 2010

Alamin pa...
Vintage HUBO

Saksihan ang mga larawan sa Vintage HUBO

Alamin pa...
Image
Image
mula noong 1901

Ang simula ng SLBH-ST

Sa "Cuadra" nag-umpisa ang lahat.

Ayon sa mga matatanda ng aming samahan, noong araw daw ay wala pang entablado at sa "cuadra" sila nagpapalabas. Cuadra ang tawag nila noon sa isang bakanteng lupa na lalagyan lamang nila ng apat na poste at bakod at doon na sila magpapalabas.Taun-taon ay hindi iisang beses lang kung sila ay magpalabas, madalas daw ay tatlong beses sila lumabas, bago magmahal na araw, sa panahon mismo ng mahal na araw at pagkatapos nito, sapagkat maraming bayan ang nag-iimbita sa kanila, minsan pa nga raw ay Mayo na ay lumalabas pa sila. Nasisita daw sila hanggang sa Nueva Ecija, Bulacan, Taguig, Batangas at marami pang ibang bayan. Natigil lamang sila noong panahon ng Hapon at muli nilang itinuloy ang pagpapalabas pagkatapos ng "World War II."

May mga pagkakataong hindi nakakalabas ang samahan dahil sa nasira ng bagyo ang mga gamit at kung minsan ay maraming miyembro ang di makaganap dahil nag-abroad o dahil may hindi nagkaunawaan at nagbigay daan sa pagkakahati ng samahan. Subalit sa bawat pagkadapa ay laging bumabangon ang samahan.

Ayon kay Amang Tonio (Mr. Antonio Cruz+), na pinakamatagal na naging direktor ng samahan (1960’s – 2000’s) ay si G. Sesto Salandanan ang unang director at writer ng Senakulo sa Taytay. At ang sumunod ay si G. Juan Darote na kanyang kinagisnang direktor noong siya'y magsimulang gumanap sa gulang na pitong taon. Ang sumunod na direktor ng samahan ay si G. Iñigo Esguerra (Ka Egong). Nung sumakabilang buhay ang Ka Egong, maraming nagsalit-salitan sa pagdidirektor hanggang sumapit ang taong 1962 ay si Amang Tonio na ang pirmihang nagging direktor hanggang sa kanyang pagkamatay noong 2008.

Ang taguring HUBO, kung saan mas nakilala ang samahan ay nanggaling sa mga pagkakataon na patong-patong ang damit ng mga manggaganap dahil limitado ang bilang ng miyembro ay marami silang papel at upang mapabilis ang pagpapalit ng costume ay isa-isang huhubarin ayon sa kanyang papel. Minsan ay nahuhulog na pababa o nahuhubo na unti-unti yung unang patong ng damit. Kaya HUBO ang naging tawag- kasi unti-unti nahuhubo ang suot na costume.

Alamin pa...

Ipagpatuloy ang tradisyon!

Tumulong pagandahin at pagyamanin pa ang ating kultura!

Ang lahat po ay aming inaanyayahan upang magbigay suhestyon sa ating natataging palabas sa tuwing Mahal na Araw. Pagandahin at linangin natin ang ating sariling kultura sa pamamagitan ng mga dagdag-kaalaman sa pag-arte, sa aspetong teknikal (audio, visual, props atbp). Maari lang pong mag-email at ipa-alam sa amin sa ika-uunlad ng ating palabas.

Makilahok sa dula

Mga aktor, aktes, at iba pang maaring makisali sa ating palabas.

Ambag Kaalaman

Mga taong may kaalaman teknikal gaya ng sa Audio, Visual, Props, Electricals at iba pa.

Suportang Materyal o Pinansyal

Mga Sponsors para sa mga kasuotan, kagamitan, mga Props, o magbigay ng donasyong pinansyal para magpatuloy ang ating pagsasadula.

Maraming salamat po!